|
|
| |
| |
|
Author: Rony
Age: 21
Sign: Virgo
Loc.: Manila, PH
Email
|
| |
|
| |
|
| Note: To link with me, post on the SHOUTBOX. |
| |
|
© 2005 RONY. SOME RIGHTS
RESERVED.
|
 |
August 21, 2005
Paglisan
Sabi nila, sa oras na magkaroon ng matinding sakuna tulad ng paglindol o pagkasunog, dalhin mo lamang ang bagay na pinakamahalaga sa iyo at ikaw ay lumisan na. Isang alaala ang pumasok sa 'king isipan habang pinapanood ang mga estudyante sa katabi naming gusali na naglalabasan bilang pagsasanay sa isang fire drill. Naalala ko noong minsa'y nagkaroon ng 'sunog' sa 'aking tahanan'. Takot ako sa apoy. Takot ako sa init, sakit at hapdi na dulot nito, kaya't walang pag-aalinlangan akong lumisan at iniligtas ang aking sarili. Subalit sa sandaling 'yon, ako pala'y naging duwag at makasarili. Sa pagkakataong 'yon, ako'y tumalikod at iniwan ang bagay na pinakamahalaga para sa 'kin.
Ngayon ay hindi ko na alam kung ano pa ang natira sa akin. Wala na ang tahanang kahit sa maikling panahon lang ay tinirhan ko nang maligaya at mapayapa. Iniwan ko ito at hinayaang tupukin ng apoy hanggang maging abo. Wala na, wala na akong uuwian. Iniwan ko rin ang bagay na pinakamahalaga sa akin, ang taong minamahal ko ng lubusan. Iniwan ko siya at hinayaang maglaho sa hangin. Wala na siya, wala na akong babalikan pa.
Sana'y hindi ako naging duwag. Sana'y hindi ko siya iniwan noon na nag-iisa. Sana'y sinamahan ko siya upang magkatulong naming tawirin at puksain ang apoy na sumira sa aming tahanan. Sana'y lumisan ako na kapiling siya.
Ang buhay kong ito ay puno ng pag-sisisi.
WRITTEN BY RONY AT
6:17 PM |
|
|
|
|