SILENT LUCIDITY

RECENT POSTS
 
RECENT POSTS
 
  PROFILE

Author: Rony
Age: 21
Sign: Virgo Loc.: Manila, PH

Email

 
MONTHLY ARCHIVES
 
SHOUTBOX
 
PARTNER SITES
 
Note: To link with me, post on the SHOUTBOX.
 

Creative Commons License   top blogs
© 2005 RONY. SOME RIGHTS RESERVED.
CONTENT

September 08, 2004

Happy Birthday to Me

Ito ang pinaka-panget na birthday ko. Una sa lahat, kinailangan kong tanggapin na beinte na ko, matanda na ko. Kaya pa'no naman magiging "happy" ang birthday ko? Pero syempre, inaasahan pa rin nila sa ospital ang blow-out ko. Ang dami nila... Ang dami dami. Kukulangin pa yata 'tong pera na binigay ni mama.

Ayan, sige. Alam ko naman na yan lang talaga ang gusto n'yo. Ang mga staff mababait kapag may blow-out. Ang mga staff dapat kasali kapag may pakain ang intern. Pero ang mga intern nanonood lang kapag sila ang may salo-salo. Ganun talaga. Pero nakakainis. May umeksena pa na hindi naman imbitado. Nakakainis talaga. Mukha s'yang monkey. Nagrerelakmo at naubusan daw s'ya ng KFC chicken. Nagparinig pa na gutom pa daw s'ya. Hay nako! Kapal talaga. Saging, gusto mo?

Sumasakit lalamunan ko. Magkaka-sore throat pa yata ako. Teka, nasan yung request form ng doktor na hawak ko kanina? Sh*t naman. Hinahanap ni Mam Emy. Di ko talaga makita. Aba, pinaghalungkat ba naman ako sa basurahan? Ganyan ka na ba talaga? Sana bigyan n'yo naman ako kahit konting konsiderasyon lang. Pinakain naman kita di ba? Saka, birthday ko naman ngayon.

Aaaarggh!!! Malala na sore throat ko! Di na ko makapagsalita. Sumasakit din ulo ko. Mataas na din temperature ko. Bad trip. Ngayon pa talaga. Ah, liligpitin ko pa pala mga pinagkainan nila.

Sh*t! Seminar na! May quiz nga pala. Di pa ko nag-aaral! Pano naman kasi ako pa ang na-assign na floater. Toxic talaga yun!

"Happy birthday!", sabi nila. Ngumingiti na lang ako kahit sobrang sama talaga pakiramdam ko. May dala 'kong dalawang kahon ng regalo. Galing kina Glice at Iya. Thank you ha!

Ang boring talaga pag seminar. Pwede ba ko magpa-excuse? Masama na talaga pakiramdam ko eh. Di na ko maka-concentrate. Hmp. Ayaw pumayag ni Mam Mocca.

Hay... Sa wakas, tapos na seminar. Thank you Glicey ha! Pinakopya mo ko sa quiz. Uuwi na ko ha. Next time ko na lang kayo treat ng dinner. Sobrang masama na kasi pakiramdam ko. Gusto ko na magpahinga.

Tingnan mo nga naman. Birthday ko ngayon, yung isang araw sa isang taon kung saan umaasa ako na magiging espeyal kahit papano, eh puro kamalasan lang ang inabot. Itutulog ko na nga lang ito.

Anong oras na? Pasado alas dose na. Tapos na ang birthday ko. May kumakatok sa pinto.

Aahhh... Si Ronilo. Si Ronilo ko. May dala siyang lobo at mga bulaklak.

Bakit nga ba ko nag-aalala? Eh alam ko naman na kapag naging magulo ang lahat, dadating si Ron para ayusin ito.

Masaya pa rin ako sa birthday ko dahil andyan si Ron.

WRITTEN BY RONY AT 8:41 AM | 
 
Back to Top