|
|
| |
| |
|
Author: Rony
Age: 21
Sign: Virgo
Loc.: Manila, PH
Email
|
| |
|
| |
|
| Note: To link with me, post on the SHOUTBOX. |
| |
|
© 2005 RONY. SOME RIGHTS
RESERVED.
|
 |
November 24, 2005
Cinderella
"Huwag mo sana akong mahalin dahil sa aking sapatos... Hindi ako si Cinderella."
---------------
Minsan ay may nagsabi sa akin na ang pagmamahal ay nasusukat sa tagal ng paglimot. At paano mo nga ba magagawang limutin ang taong minsa'y nagbigay ng halaga, dahilan, at ligaya sa iyong buhay?
Marahil nga'y 'sing-tagal ng habang-buhay ang paglimot sa taong tunay na minamahal... Dahil 'di tulad ni Cinderella ay hindi sa sapatos, hindi sa panahon at hindi sa anumang may'ron ka... Walang sukatan ang pag-ibig.
WRITTEN BY RONY AT
10:04 AM |
November 18, 2005
Partaker
And then there was someone who could hear when there was nothing there... but silence.
.....Naiintindihan ko... pero tapos na ako dyan... .....Nasasaktan pa rin ako... .....Pero ito ako... .....Kailangan umasa... 'pagkat kailangan mabuhay... .....Kailangan maniwala... 'pagkat ito ang buhay... .....Kahit sa huli alam ko na masakit ang mabigo... .....Oo, mahirap maging ako... pero ito ako... at wala akong dapat ipaliwanag... wala akong dapat ipaintindi... pagkat ano ang saysay... sa huli ako pa rin ito... at wala masyadong pagpipilian kundi ang harapin ang kung ano ako... .....Magpababoy man ako... baboyin mo man ako... .....Ito pa rin ako... .....Pagsisihan ko man ito... .....Ito at ito pa rin ako... .....Patuloy na maniniwala... patuloy na nanaising umasa... .....Pagkat ito ako... .....At bukas, muling magbubukang liwayway... -Lexan Orantes Lexan's webpages can be found at XanFactor.TK.
WRITTEN BY RONY AT
2:45 PM |
November 13, 2005
Kaning-Baboy
Baboy sila...
Lahat sila, baboy.
Hindi mo maiintindihan kung pa'no maging ako... Napakahirap maging ako... Hindi mo maiintindihan kung pa'no magpababoy... Napakahirap maging kaning-baboy.
Kinukutya mo ako dahil nagpapababoy ako... Nagpapababoy para mapansin, para mabigyan ng maikling atensyon... Nagpapababoy para makatikim ng sandaling ligaya, at siguro, ng kaunting pagmamahal... Nagpapababoy para lang maramdaman ko na may kasama ako, na hindi ako nag-iisa.
Pero hindi ako baboy! Hindi ako kasing-dungis nila. Dahil sa bawat gabing natutulog ako na may katabi sa kama ay umiiyak ako. Umiiyak dahil may katabi akong hayop na walang nararamdaman, naliligo sa putik at kumakain ng sariling laman. Umiiyak ako dahil may katabi akong baboy! Pumapatak ang luha ko habang tumutulo ang laway niya sa kama...
Baboy.
Sabi mo, darating din ang para sa kin... Hindi. Walang para sa 'kin. Wala. Dahil lahat sila... Lahat sila'y baboy... At lahat sila, isusuka ko.
WRITTEN BY RONY AT
9:05 PM |
November 01, 2005
Ideals
Rony: Nag-text siya kanina... Quote. Nakaalala ang mokong. Ms. McDo: Kinilig ka naman! Hihihi. May tama ka tsong. Rony: Ewan. Bakit ganun noh? Kahit isang text lang, kahit isang "missed call" lang, 'pag galing sa kanya parang ang laking bagay na. Ms. McDo: Kasi ang mahalaga do'n, naalala ka niya. Rony: After 48 years... and after promising me that he would keep in touch after what happened to us that night. Ms. McDo: ... Rony: Hay, ewan ko ba. Parang sobrang vulnerable ako ngayon. Sabi ko dati handa na ko magmahal. Gusto ko na magmahal uli. Kaya siguro kahit sino makilala ko, basta mukhang ok naman, nag-i-invest na ko agad ng feelings... Kahit isang araw o isang gabi ko pa lang nakilala. Kahit hindi ako sigurado kung hanggang saan lang ang mangyayari sa 'min. Ms. McDo: Gano'n talaga yun eh. Yung feeling mo na parang first time mo ma-in-love. Excited ka na ma-in-love ulit. Pero hindi tama yun. Rony: Eh anong magagawa ko? Hindi naman yun pinagdedesisyonan. Nangyayari na lang. Ms. McDo: Korek! May tama ka nga. Haha! Ako rin excited ma-in-love, pero takot masaktan haha.. Pero gano'n naman yun 'di ba? Kaya nga sabi ko, pag nagmahal ako, eh di nagmahal ako. Labo 'no? Rony: Ako, hindi ako takot masaktan. Sanay ako masaktan. Saka, minsan mas masarap yung nasasaktan kesa wala kang nararamdaman. Mas malungkot maging manhid, yun ang palagay ko. Ms. McDo: Sa bagay. Sabi nila malalaman mo lang talaga na nagmahal ka kapag nasaktan ka. Hay... Sino kaya ang susunod na mananakit sa kin? Rony: Ako. Yuuuuck! Ms. McDo: Yaaaaak!!! Ayoko tamaan ng kidlat 'no!
WRITTEN BY RONY AT
12:30 PM |
|
|
|
|