|
|
| |
| |
|
Author: Rony
Age: 21
Sign: Virgo
Loc.: Manila, PH
Email
|
| |
|
| |
|
| Note: To link with me, post on the SHOUTBOX. |
| |
|
© 2005 RONY. SOME RIGHTS
RESERVED.
|
 |
August 28, 2005
Paglisan (Re-Verse)
Mahal ko siya. Alam kong naiintindihan mo ako dahil nagmahal ka rin noon. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako dito. Pero handa ako manatili. Hindi na ako muling lilisan, gaya ng ginawa ko noon.
Sabi nila, kapag ikaw ay nawala sa gitna ng kagubatan, manatili ka lamang sa isang lugar at ikaw ay matatagpuan nila. Diyan na lamang ako nagtitiwala. Sa mga sandaling ito na hindi ko na alam kung saan pa ako patutungo, nagtitiwala akong matatagpuan niya ako.
Matagal na rin akong naghihintay. Marami na rin akong pinalampas na pagkakataon. Isa, dalawa, o tatlong manlalakbay ang nagmagandang-loob at nag-alay na sagipin ako mula dito. Subalit tumanggi ako. Dahil alam ko, naniniwala ako, isang araw ay darating siya upang siya mismo ang magturo sa akin ng daan palabas dito.
Hindi ako maaaring lumisan. Kailangang nandirito ako sa pagdating niya. Maghihintay ako, kahit wala sa aking kasiguruhan kung hinahanap nga niya ako. Maghihintay pa rin ako.
Dahil mula noon, mula noong una kong nakita ang kanyang mga ngiti hanggang sa ngayon, hanggang sa mga sandaling ito, siya'y mahal ko. Siya'y mahal ko.
WRITTEN BY RONY AT
8:00 AM |
|
|
|
|