|
|
| |
| |
|
Author: Rony
Age: 21
Sign: Virgo
Loc.: Manila, PH
Email
|
| |
|
| |
|
| Note: To link with me, post on the SHOUTBOX. |
| |
|
© 2005 RONY. SOME RIGHTS
RESERVED.
|
September 16, 2005
Pilak
Turuan mo ako kung paano magmahal sa taong mayro'n nang minamahal. Pagtitiwalaan kong ako'y iibigin niya kapantay sa taong nagmay-ari na sa kanya. Dahil sa minsang pagkakataong ito'y handa akong panghawakan ano man ang kapalit nito. Handa akong lumigaya at masaktan at manlinlang at magpalinlang lahat ng ito sa isang gabi lang.
Turuan mo ako, Ikaro, at pag-aaralan kong lumipad suot lamang ay kalahati ng 'yong pakpak At marahil bukas ay matututunan ko rin kung paanong makipaghati sa pagmamahal.
"Love is not divided when it is shared, it only grows bigger." -Anonymous
WRITTEN BY RONY AT
12:11 PM |
|
|
|
|