SILENT LUCIDITY

RECENT POSTS
 
RECENT POSTS
 
  PROFILE

Author: Rony
Age: 21
Sign: Virgo Loc.: Manila, PH

Email

 
MONTHLY ARCHIVES
 
SHOUTBOX
 
PARTNER SITES
 
Note: To link with me, post on the SHOUTBOX.
 

Creative Commons License   top blogs
© 2005 RONY. SOME RIGHTS RESERVED.
CONTENT

December 26, 2005

The End of Silence

And it was barren...
His garden was barren.
For when he woke he wasn't there...
He wished he was never there.

Slowly, he put up the curtains...
Folded a shattered window behind the curtains.
He whimpered, his wings pierced with glasses...
He walked pass bloody feathers and broken glasses.

He freed himself, eyes cast upwards and closed...
Flapped his wings, flew with his eyes closed.
He couldn’t look at daylight--blinding...
It was bright, beautiful and blinding.

He screamed without a voice, without a sound, without a noise.
He held his heart in his hands, dropped his wings, and he was gone.


---------------

This will be my last entry for Silence of Wings. Thank you to all who have been a part of this journey.

WRITTEN BY RONY AT 7:57 AM | 
 

December 14, 2005

Garden of Ed

One night in the middle of a muddy, gloomy pasture, with the wind cold and bursting and just three stars in the sky, he held my hand and the pasture was paradise.

From that day and forever, he shall have my heart.

WRITTEN BY RONY AT 3:15 PM | 
 

November 24, 2005

Cinderella

"Huwag mo sana akong mahalin dahil sa aking sapatos... Hindi ako si Cinderella."

---------------

Minsan ay may nagsabi sa akin na ang pagmamahal ay nasusukat sa tagal ng paglimot. At paano mo nga ba magagawang limutin ang taong minsa'y nagbigay ng halaga, dahilan, at ligaya sa iyong buhay?

Marahil nga'y 'sing-tagal ng habang-buhay ang paglimot sa taong tunay na minamahal... Dahil 'di tulad ni Cinderella ay hindi sa sapatos, hindi sa panahon at hindi sa anumang may'ron ka... Walang sukatan ang pag-ibig.

WRITTEN BY RONY AT 10:04 AM | 
 

November 18, 2005

Partaker

And then there was someone who could hear when there was nothing there... but silence.


.....Naiintindihan ko... pero tapos na ako dyan...
.....Nasasaktan pa rin ako...
.....Pero ito ako...
.....Kailangan umasa... 'pagkat kailangan mabuhay...
.....Kailangan maniwala... 'pagkat ito ang buhay...
.....Kahit sa huli alam ko na masakit ang mabigo...

.....Oo, mahirap maging ako... pero ito ako... at wala akong dapat ipaliwanag... wala akong dapat ipaintindi... pagkat ano ang saysay... sa huli ako pa rin ito... at wala masyadong pagpipilian kundi ang harapin ang kung ano ako...

.....Magpababoy man ako... baboyin mo man ako...
.....Ito pa rin ako...
.....Pagsisihan ko man ito...
.....Ito at ito pa rin ako...

.....Patuloy na maniniwala... patuloy na nanaising umasa...
.....Pagkat ito ako...
.....At bukas, muling magbubukang liwayway...

-Lexan Orantes


Lexan's webpages can be found at XanFactor.TK.

WRITTEN BY RONY AT 2:45 PM | 
 

November 13, 2005

Kaning-Baboy

Baboy sila...

Lahat sila, baboy.

Hindi mo maiintindihan kung pa'no maging ako... Napakahirap maging ako... Hindi mo maiintindihan kung pa'no magpababoy... Napakahirap maging kaning-baboy.

Kinukutya mo ako dahil nagpapababoy ako... Nagpapababoy para mapansin, para mabigyan ng maikling atensyon... Nagpapababoy para makatikim ng sandaling ligaya, at siguro, ng kaunting pagmamahal... Nagpapababoy para lang maramdaman ko na may kasama ako, na hindi ako nag-iisa.

Pero hindi ako baboy! Hindi ako kasing-dungis nila. Dahil sa bawat gabing natutulog ako na may katabi sa kama ay umiiyak ako. Umiiyak dahil may katabi akong hayop na walang nararamdaman, naliligo sa putik at kumakain ng sariling laman. Umiiyak ako dahil may katabi akong baboy! Pumapatak ang luha ko habang tumutulo ang laway niya sa kama...

Baboy.

Sabi mo, darating din ang para sa kin... Hindi. Walang para sa 'kin. Wala. Dahil lahat sila... Lahat sila'y baboy... At lahat sila, isusuka ko.

WRITTEN BY RONY AT 9:05 PM | 
 
Back to Top