SILENT LUCIDITY

RECENT POSTS
 
RECENT POSTS
 
  PROFILE

Author: Rony
Age: 21
Sign: Virgo Loc.: Manila, PH

Email

 
MONTHLY ARCHIVES
 
SHOUTBOX
 
PARTNER SITES
 
Note: To link with me, post on the SHOUTBOX.
 

Creative Commons License   top blogs
© 2005 RONY. SOME RIGHTS RESERVED.
CONTENT

March 06, 2005

Gulong

araw. Umaga na naman. Sana palagi na lang gabi. Nakakapagod na kasi magtrabaho. Nakakapagod nang magsalita. Nakakapagod nang huminga. Minsan parang gusto ko magpasagasa sa truck na dumadaan sa Lacson Avenue. Tutal, marami talaga ang nasasagasaan doon. Kaya kung mamatay ako, iisipin ng lahat na aksidente ito. Naisip ko ito

kanina. Pero kung hindi ako matuluyan, siguradong masakit yon. Kakayanin ko kaya? Sa bagay, siguro mas masakit yun. Siguro mas masakit ang madaanan ng gulong ng truck kesa tanggapin ang katotohanang wala na

siya. Siguro tama siya. Masyado ako madaling sumusuko. Siguro nga kaya ko mabuhay nang wala siya. Tutal, nakaraos ako ng labing-siyam na taon na wala siya sa aking

buhay. Pero yon lang talaga ang nangyari, nakaraos lang ako... pero hindi ako nabuhay. Patay ako bago ko siya nakilala. Noong araw na minahal niya ako ay isinilang ako. At ngayon, kahit wala na siya, patuloy akong binubuhay ng pagmamahal ko sa

kanya. Nandito pa rin ako. Umaasa, na kahit man lang sa pagtulog ko bawat gabi’y makakasama ko siyang muli, kahit sa panaginip lang. Pero tapos na naman ako managinip. Babangon na ko. Sumisikat na ang

WRITTEN BY RONY AT 2:49 PM | 
 
Back to Top