SILENT LUCIDITY

RECENT POSTS
 
RECENT POSTS
 
  PROFILE

Author: Rony
Age: 21
Sign: Virgo Loc.: Manila, PH

Email

 
MONTHLY ARCHIVES
 
SHOUTBOX
 
PARTNER SITES
 
Note: To link with me, post on the SHOUTBOX.
 

Creative Commons License   top blogs
© 2005 RONY. SOME RIGHTS RESERVED.
CONTENT

February 09, 2005

Umaga

Naranasan mo na ba
na kausapin ang sarili
dahil walang naroon
upang makinig sa 'yo?

Naranasan mo na ba
na yakapin ang kalungkutan
umiyak hanggang ika'y mapagod
at wala nang luhang lumabas sa mga mata mo?

Naranasan mo na ba
na ngumiti at tumawa
magpanggap na ika'y masaya
sa kabila ng kalungkutang nadarama?

Naranasan mo na ba
na magmahal sa taong nagpapalungkot sa yo?
na magmahal sa taong hindi mo pwedeng mahalin?

Naranasan mo na ba
na makita ang minamahal mong umiiyak
at habang pinapanood mo siya
ay parang dinudurog ang puso mo?

Naranasan mo na ba
na sumiping sa taong hindi mo kilala
na pagkatapos ng lahat ng init at libog
ay wala ka ng ibang maramdaman
kundi ang kalungkutan sa bawat sulok ng silid?

Naranasan mo na ba
na humiga sa iyong kama
habang ang iyong puso'y pinapatay ng selos
dahil alam mong sa mga sandaling iyon
ang mahal mo'y may kasiping na iba?

Naranasan mo na ba
na gumising isang araw
at sabihin sa iyong sarili
ayaw mo na?

Gaya mo
ang lahat ng ito
ay naranasan ko na.

WRITTEN BY RONY AT 3:22 PM | 
 
Back to Top