|
|
| |
| |
|
Author: Rony
Age: 21
Sign: Virgo
Loc.: Manila, PH
Email
|
| |
|
| |
|
| Note: To link with me, post on the SHOUTBOX. |
| |
|
© 2005 RONY. SOME RIGHTS
RESERVED.
|
 |
November 12, 2004
Liham Kay Ron
Ron, salamat kagabi. Salamat sa pagpunta mo sa kin, sa pag-aalala para sa kin. Maligaya ako kapag kasama kita. Kaninang umaga, gusto kong tumigil ang oras at manatili na lang sa yakap mo. Puwede akong mamatay sa mga oras na yon. Gusto ko kasama ka palagi, para wala nang hanggan ang kaligayahan ko. Pero magiging makasarili ako kung ako lang ang iisipin ko. Pa'no ka? Masaya ka din ba?
Gusto ko, maging maligaya ka din. Sumusulat ako ngayon para sabihin sayo na binibigay ko na sa yo ang kalayaan mo. Ron, dun ka magpunta sa kung saan ka tunay na masaya.
Alam kong malayo ang narating ng tatlong buwan na pag-uusap niyo, at hindi yun matatapos sa isang pagkikita lang. Alam ko din na higit sa lahat pangarap mong magmahal ng isang dugong banyaga. Pero hindi ako ganon.
Naniniwala ako na minahal mo ako dahil naramdaman ko yon. Pero hindi ko na alam ngayon kung ano pa ang nararamdaman mo para sa kin, kung pagmamahal, panghihinayang, o awa. Kaya nga sabi ko, I'm giving you your freedom. Hindi dahil ayoko na kundi dahil yun ang dapat.
Kung isang araw, malaman mo na ako pa rin ang mahal mo, ang gusto mong makasama habang buhay, umasa ka na nandirito lang ako, naghihintay. Pero kung hindi man, tatanggapin ko. Sa loob ko, nananalangin ako na sana ako ang piliin mo. Pero hindi ko pwedeng pilitin ang damdamin mo. Kung hindi ako at magmahal ka ng iba, sabihin mo sa kin para hindi naman ako maghintay habangbuhay sa wala. Kakayanin ko. Masasaktan ako at siguro iiyak pang muli. Pero wag ka nang mag-aalala, makakabuti yon para sa kin. Kailangan ko yon para mailabas ang sama ng loob ko. Pag wala ka na, sa probinsya na lang ako mag-aaral. Kahit papano, kasama ko don ang pamilya ko at maibubuhos ko ang lahat ng atensyon ko sa pag-aaral, at hindi sa mga alaalang iiwan mo dito sa Maynila.
Mahal kita, Ron. Nahihiya akong aminin na sa kabila ng lahat, hindi pa rin kita magawang kalimutan. Patawad. Siguro nga tama ka na nagkulang ako sa yo, kaya kahit bago pa tayo mag-isang taon ay naghanap ka na ng iba. Patawad.
Salamat sa pagmamahal mo sa kin. Ang isang taon na nakasama kita, yun ang pinakamaliligayang araw ng buhay ko.
Muli, minamahal kita.
Rony
WRITTEN BY RONY AT
6:31 PM |
|
|
|
|