SILENT LUCIDITY

RECENT POSTS
 
RECENT POSTS
 
  PROFILE

Author: Rony
Age: 21
Sign: Virgo Loc.: Manila, PH

Email

 
MONTHLY ARCHIVES
 
SHOUTBOX
 
PARTNER SITES
 
Note: To link with me, post on the SHOUTBOX.
 

Creative Commons License   top blogs
© 2005 RONY. SOME RIGHTS RESERVED.
CONTENT

July 02, 2004

Himbing

Ang sabi ko noon, s'ya na ang huling taong mamahalin ko. naaalala ko pa, kung pano ko s'ya iyakan ng sobra. kung pano ako nagmakaawa na wag n'ya ko iwan. sa totoo lang, natatawa na lang ako ngayon kapag naiisip ko yung mga nangyari noon. eh anong magagawa ko? hindi ko naman alam na makikilala pala kita. sabi ko pa nga, siguro kung gwapo ako, pino kumilos, siguro mamahalin din niya ko. pero mabuti na rin yun! kasi ngayon mas masaya na ko. kasi alam ko hindi ko kailangan magpanggap. kasi tanggap mo kung ano ako, yung totoong ako. sabi ko pa nga, kahit sino pa ang makilala ko, hindi ko s'ya makakalimutan. putya naman! nung nakilala kita nakalimutan ko s'ya! sa totoo lang, hindi ko na s'ya iniisip, palagi na lang ikaw. eh anong magagawa ko? mahal kita eh. sabi ko pa noon, kaya ko maghintay...kahit gaano katagal, kahit buong buhay ko, maghihintay ako sa yo. sa totoo lang, hindi ko namalayan na bigla ka na lang dumating. ngayon nga eh, nagrereklamo pa ko. bakit ngayon ka lang? kasi naman, sayang din yung pinaghintay ko noh! kung sa bagay, ano nga bang magagawa ko? eh hindi naman kita hinanap. ikaw ang nakakita sa kin. naalala ko pa, noon sabi ko sa mga kaibigan ko, ang cute ng mahal ko! sa totoo lang, sabi nung kabarkada ko, "mas gwapo ka pa eh!" eh anong magagawa ko? kung talagang cute ako? hehe. Bakit ba, wala kong paki. basta para sa kin kaw pinaka-gwapo sa lahat. kasing gwapo ni Bradd Pitt. Uy! bola lang yun! di naman masyado. mas gwapo ka lang ng konti kay Piolo Pascual. hehe. pero cute din naman talaga ko di ba? kamukha ko nga si Hero Angeles eh, tapos ikaw si Mark Herras. Haha! Nakakatawa. Pero totoo un. Yung cute ako? hehe. Ang saya ko noh? Pero noon, nung nag-iisa ako, palagi na lang ako umiiyak. sabi ko pa nga, kawawa naman ako, ang sakit sakit. pero ngayon, ikaw pa tong umiiyak para sa kin. at bakit ganon? parang mas nasasaktan ako na makita kang ganyan? ayoko nang ganyan. mas kaya ko pa na ako ang nasasaktan, kesa ikaw. sabi ko nga noon eh, ang gusto ko lang naman ay maging masaya. pero ngayon, ang gusto ko lang ay maging masaya ka. oo na! ang corny ko na! eh anong magagawa ko? di talaga ko magaling pag dating sa mga ganyan. dati nga, ginawan kita ng tula. sabi mo pa, pag nabasa yun ng best friend mo (na nag-major sa english), sasabihin n'ya hindi yun tula. oo na! pangit naman talaga! eh anong magagawa ko? hindi naman ako makata, trying hard lang. gusto lang naman kita gawan non kahit pilit lang. may karapatan naman ako di ba? kasi, boyfriend mo ko. hay! senya na, wala lang kasi ako magawa. sa totoo lang, miss na miss na kita. sana, dito ka sa tabi ko ngayon. kasi, pag katabi kita, para akong nananaginip.

WRITTEN BY RONY AT 11:59 PM | 
 
Back to Top